2 Mga Hari 23

Nang naghahari pa si Josias, si Faraon Neco na hari ng Ehipto ay pumunta sa Ilog Eufrates para tulungan ang hari ng Asiria. Umalis si Haring Josias at ang mga sundalo niya para makipaglaban kay Neco, pero pinatay siya ni Neco nang magkita sila sa Megido.

2 Kings 23:29 (UKJV) In his days Pharaohnechoh king of Egypt went up against the king of Assyria to the river Euphrates: and king Josiah went against him; and he slew him at Megiddo, when he had seen him.

27Kaya sinabi ng Panginoon, “Palalayasin ko sa aking harapan ang Juda katulad ng ginawa ko sa Israel at itatakwil ko ang Jerusalem, ang lungsod na aking pinili at ang Templong ito na sinabi kong dito ako pararangalan.”

28Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Josias, at lahat ng ginawa niya ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda.

29Nang naghahari pa si Josias, si Faraon Neco na hari ng Ehipto ay pumunta sa Ilog Eufrates para tulungan ang hari ng Asiria. Umalis si Haring Josias at ang mga sundalo niya para makipaglaban kay Neco, pero pinatay siya ni Neco nang magkita sila sa Megido.

30Isinakay ng kanyang lingkod ang bangkay niya sa karwahe at dinala pabalik sa Jerusalem at inilibing sa sarili niyang libingan. At ang anak niyang si Joahaz ang ipinalit na hari ng mga mamamayan ng Juda sa pamamagitan ng pagpapahid sa kanya ng langis.

31Si Joahaz ay dalawampuʼt tatlong taóng gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya sa loob ng tatlong buwan. Ang kanyang ina ay si Hamutal, na taga-Libna, na anak ni Jeremias.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.