2 Mga Hari 23

Si Joahaz ay dalawampuʼt tatlong taóng gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya sa loob ng tatlong buwan. Ang kanyang ina ay si Hamutal, na taga-Libna, na anak ni Jeremias.

2 Kings 23:31 (UKJV) Jehoahaz was twenty and three years old when he began to reign; and he reigned three months in Jerusalem. And his mother's name was Hamutal, the daughter of Jeremiah of Libnah.

29Nang naghahari pa si Josias, si Faraon Neco na hari ng Ehipto ay pumunta sa Ilog Eufrates para tulungan ang hari ng Asiria. Umalis si Haring Josias at ang mga sundalo niya para makipaglaban kay Neco, pero pinatay siya ni Neco nang magkita sila sa Megido.

30Isinakay ng kanyang lingkod ang bangkay niya sa karwahe at dinala pabalik sa Jerusalem at inilibing sa sarili niyang libingan. At ang anak niyang si Joahaz ang ipinalit na hari ng mga mamamayan ng Juda sa pamamagitan ng pagpapahid sa kanya ng langis.

31Si Joahaz ay dalawampuʼt tatlong taóng gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya sa loob ng tatlong buwan. Ang kanyang ina ay si Hamutal, na taga-Libna, na anak ni Jeremias.

32Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon katulad ng ginawa ng mga ninuno niya.

33Ibinilanggo siya ni Faraon Neco sa Ribla na sakop ng lupain ng Hamat, para hindi siya maghari sa Jerusalem. Pinagbayad ni Neco ang Juda ng 3,500 kilong pilak at 35 kilong ginto bilang buwis.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.