2 Mga Hari 24

Binihag din ni Nebucadnezar ang pitong libong pinakamatatapang na sundalo, isang libong mahuhusay na manggagawa at mga panday na mga sundalo rin.

2 Kings 24:16 (UKJV) And all the men of might, even seven thousand, and craftsmen and smiths a thousand, all that were strong and able for war, even them the king of Babylon brought captive to Babylon.

14At binihag niya ang sampung libong naninirahan sa Jerusalem, kasama ang lahat ng opisyal, pinakamahuhusay na sundalo, lahat ng mahuhusay na manggagawa at mga panday. Ang pinakamahihirap na tao lang ang natira.

15Binihag ni Nebucadnezar si Jehoiakin sa Babilonia, pati ang kanyang ina, mga asawa, mga opisyal at ang mga tanyag na tao sa Juda.

16Binihag din ni Nebucadnezar ang pitong libong pinakamatatapang na sundalo, isang libong mahuhusay na manggagawa at mga panday na mga sundalo rin.

17Ang ipinalit niya bilang hari ay si Matanias na tiyuhin ni Jehoyakin. At pinalitan niya ang pangalan ni Matanias na Zedequias.

18Si Zedequias ay dalawampuʼt isang taóng gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng labing-isang taon. Ang ina niya ay si Hamutal na taga-Libna at anak ni Jeremias.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.