2 Mga Hari 24

Si Zedequias ay dalawampuʼt isang taóng gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng labing-isang taon. Ang ina niya ay si Hamutal na taga-Libna at anak ni Jeremias.

2 Kings 24:18 (UKJV) Zedekiah was twenty and one years old when he began to reign, and he reigned eleven years in Jerusalem. And his mother's name was Hamutal, the daughter of Jeremiah of Libnah.

16Binihag din ni Nebucadnezar ang pitong libong pinakamatatapang na sundalo, isang libong mahuhusay na manggagawa at mga panday na mga sundalo rin.

17Ang ipinalit niya bilang hari ay si Matanias na tiyuhin ni Jehoyakin. At pinalitan niya ang pangalan ni Matanias na Zedequias.

18Si Zedequias ay dalawampuʼt isang taóng gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng labing-isang taon. Ang ina niya ay si Hamutal na taga-Libna at anak ni Jeremias.

19Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon katulad ng ginawa ni Jehoiakim.

20Sa galit ng Panginoon, pinalayas niya sa harapan niya ang mga taga-Jerusalem at taga-Juda. Nagrebelde si Zedequias sa hari ng Babilonia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.