2 Mga Hari 24

Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon katulad ng ginawa ni Jehoiakim.

2 Kings 24:19 (UKJV) And he did that which was evil in the sight of the LORD, according to all that Jehoiakim had done.

17Ang ipinalit niya bilang hari ay si Matanias na tiyuhin ni Jehoyakin. At pinalitan niya ang pangalan ni Matanias na Zedequias.

18Si Zedequias ay dalawampuʼt isang taóng gulang nang maging hari. Sa Jerusalem siya tumira, at naghari siya roon sa loob ng labing-isang taon. Ang ina niya ay si Hamutal na taga-Libna at anak ni Jeremias.

19Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon katulad ng ginawa ni Jehoiakim.

20Sa galit ng Panginoon, pinalayas niya sa harapan niya ang mga taga-Jerusalem at taga-Juda. Nagrebelde si Zedequias sa hari ng Babilonia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.