2 Mga Hari 25

Ngunit, noong ikapitong buwan ng taon na iyon, pumunta sa Mizpa si Ismael na anak ni Netanias at apo ni Elishama, na miyembro ng sambahayan ng hari. Kasama ang sampung tao, pinatay nila si Gedalias at ang mga kasama nitong taga-Juda at taga-Babilonia.

2 Kings 25:25 (UKJV) But it came to pass in the seventh month, that Ishmael the son of Nethaniah, the son of Elishama, of the seed royal, came, and ten men with him, and stroke Gedaliah, that he died, and the Jews and the Chaldees that were with him at Mizpah.

23Nang marinig ito ng mga opisyal ng Juda at ng mga tauhan nila, pumunta sila kay Gedalias sa Mizpa. Sila ay sina Ismael na anak ni Netanias, Johanan na anak ni Karea, Seraya na anak ni Tanhumet na taga-Netofa, Jaazanias na taga-Maaca, at ang kanilang mga tauhan.

24Sumumpa si Gedalias sa kanila at sa mga tauhan nila, “Huwag kayong matakot sa mga opisyal ng Babilonia. Manirahan lang kayo rito at paglingkuran ninyo ang hari ng Babilonia at walang mangyayari sa inyo.”

25Ngunit, noong ikapitong buwan ng taon na iyon, pumunta sa Mizpa si Ismael na anak ni Netanias at apo ni Elishama, na miyembro ng sambahayan ng hari. Kasama ang sampung tao, pinatay nila si Gedalias at ang mga kasama nitong taga-Juda at taga-Babilonia.

26Dahil dito, lahat ng tao sa Juda mula sa pinakatanyag hanggang sa pinakamababa, pati ang mga opisyal ng mga sundalo ay tumakas papuntang Ehipto dahil natakot sila sa maaaring gawin sa kanila ng mga taga-Babilonia.

27Noong ikatatlumpuʼt pitong taon ng pagkabihag ni Haring Jehoiakin ng Juda, naging hari ng Babilonia si Evil-merodac. Pinalaya niya sa pagkakakulong si Jehoiakin noong ikadalawampuʼt pitong araw ng ikalabindalawang buwan ng taon ding iyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.