2 Mga Hari 25

Dahil dito, lahat ng tao sa Juda mula sa pinakatanyag hanggang sa pinakamababa, pati ang mga opisyal ng mga sundalo ay tumakas papuntang Ehipto dahil natakot sila sa maaaring gawin sa kanila ng mga taga-Babilonia.

2 Kings 25:26 (UKJV) And all the people, both small and great, and the captains of the armies, arose, and came to Egypt: for they were afraid of the Chaldees.

24Sumumpa si Gedalias sa kanila at sa mga tauhan nila, “Huwag kayong matakot sa mga opisyal ng Babilonia. Manirahan lang kayo rito at paglingkuran ninyo ang hari ng Babilonia at walang mangyayari sa inyo.”

25Ngunit, noong ikapitong buwan ng taon na iyon, pumunta sa Mizpa si Ismael na anak ni Netanias at apo ni Elishama, na miyembro ng sambahayan ng hari. Kasama ang sampung tao, pinatay nila si Gedalias at ang mga kasama nitong taga-Juda at taga-Babilonia.

26Dahil dito, lahat ng tao sa Juda mula sa pinakatanyag hanggang sa pinakamababa, pati ang mga opisyal ng mga sundalo ay tumakas papuntang Ehipto dahil natakot sila sa maaaring gawin sa kanila ng mga taga-Babilonia.

27Noong ikatatlumpuʼt pitong taon ng pagkabihag ni Haring Jehoiakin ng Juda, naging hari ng Babilonia si Evil-merodac. Pinalaya niya sa pagkakakulong si Jehoiakin noong ikadalawampuʼt pitong araw ng ikalabindalawang buwan ng taon ding iyon.

28Mabait siya kay Jehoyakin at pinarangalan niya ito higit sa ibang mga hari na binihag din sa Babilonia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.