2 Mga Hari 25

Sumumpa si Gedalias sa kanila at sa mga tauhan nila, “Huwag kayong matakot sa mga opisyal ng Babilonia. Manirahan lang kayo rito at paglingkuran ninyo ang hari ng Babilonia at walang mangyayari sa inyo.”

2 Kings 25:24 (UKJV) And Gedaliah swore to them, and to their men, and said unto them, Fear not to be the servants of the Chaldees: dwell in the land, and serve the king of Babylon; and it shall be well with you.

22Pinili ni Haring Nebucadnezar ng Babilonia si Gedalias na anak ni Ahikam at apo ni Safan bilang gobernador ng mga naiwang tao sa Juda.

23Nang marinig ito ng mga opisyal ng Juda at ng mga tauhan nila, pumunta sila kay Gedalias sa Mizpa. Sila ay sina Ismael na anak ni Netanias, Johanan na anak ni Karea, Seraya na anak ni Tanhumet na taga-Netofa, Jaazanias na taga-Maaca, at ang kanilang mga tauhan.

24Sumumpa si Gedalias sa kanila at sa mga tauhan nila, “Huwag kayong matakot sa mga opisyal ng Babilonia. Manirahan lang kayo rito at paglingkuran ninyo ang hari ng Babilonia at walang mangyayari sa inyo.”

25Ngunit, noong ikapitong buwan ng taon na iyon, pumunta sa Mizpa si Ismael na anak ni Netanias at apo ni Elishama, na miyembro ng sambahayan ng hari. Kasama ang sampung tao, pinatay nila si Gedalias at ang mga kasama nitong taga-Juda at taga-Babilonia.

26Dahil dito, lahat ng tao sa Juda mula sa pinakatanyag hanggang sa pinakamababa, pati ang mga opisyal ng mga sundalo ay tumakas papuntang Ehipto dahil natakot sila sa maaaring gawin sa kanila ng mga taga-Babilonia.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.