14Sinabi ni Eliseo, “Nagsasabi ako ng katotohanan sa presensya ng buhay at Panginoon ng mga Hukbo, na aking pinaglilingkuran, na hindi kita papansinin kung hindi lang dahil sa paggalang ko kay Haring Jehoshafat ng Juda.
15Ngayon, dalhan nʼyo ako ng taong marunong tumugtog ng alpa.” Habang pinapatugtog ang alpa, napuspos ng kapangyarihan ng Panginoon si Eliseo,
16at sinabi niya, “Ito ang sinabi ng Panginoon: ‘Magkakaroon ng maraming balon ng tubig sa lambak na ito.’
17Sapagkat ito ang sinabi ng Panginoon: ‘Kahit na walang ulan o hangin, mapupuno pa rin ng tubig ang lambak na ito, at makakainom kayo at ang inyong mga baka at ang iba pa ninyong mga hayop.’
18Madali lang ang bagay na ito para sa Panginoon. Ibibigay din niya ang Moab sa inyong mga kamay.