12Sinabi ni Jehoshafat, “Ang salita ng Panginoon ay sumasakanya.” Kaya pumunta kay Eliseo ang hari ng Israel, si Jehoshafat, at ang hari ng Edom.
13Sinabi ni Eliseo sa hari ng Israel, “Bakit kayo lumalapit sa akin? Pumunta kayo sa mga propeta ng inyong ama at ina!” Sinabi ng hari ng Israel, “Hindi! Sapagkat ang Panginoon ang nagdala sa aming tatlo rito para ipasakamay kami sa hari ng Moab!”
14Sinabi ni Eliseo, “Nagsasabi ako ng katotohanan sa presensya ng buhay at Panginoon ng mga Hukbo, na aking pinaglilingkuran, na hindi kita papansinin kung hindi lang dahil sa paggalang ko kay Haring Jehoshafat ng Juda.
15Ngayon, dalhan nʼyo ako ng taong marunong tumugtog ng alpa.” Habang pinapatugtog ang alpa, napuspos ng kapangyarihan ng Panginoon si Eliseo,
16at sinabi niya, “Ito ang sinabi ng Panginoon: ‘Magkakaroon ng maraming balon ng tubig sa lambak na ito.’