2 Mga Hari 3

Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon, ngunit hindi katulad ng kanyang ama at ina. Ipinagiba niya ang alaalang bato ng diyos-diyosang si Baal na ipinatayo ng kanyang ama.

2 Kings 3:2 (UKJV) And he wrought evil in the sight of the LORD; but not like his father, and like his mother: for he put away the image of Baal that his father had made.

1Naging hari ng Israel si Joram na anak ni Ahab noong ikalabingwalong taon ng paghahari ni Jehoshafat sa Juda. Sa Samaria tumira si Joram, at naghari siya sa loob ng labindalawang taon.

2Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon, ngunit hindi katulad ng kanyang ama at ina. Ipinagiba niya ang alaalang bato ng diyos-diyosang si Baal na ipinatayo ng kanyang ama.

3Subalit ginawa rin niya ang mga kasalanang ginawa ni Jeroboam na anak ni Nebat at ito ang naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel. Hindi niya tinalikuran ang mga kasalanang ito.

4Si Haring Mesa ng Moab ay nagmamay-ari ng napakaraming tupa. Taon-taon siyang nagbibigay sa hari ng Israel ng isang daang libong batang tupa at balahibo ng isandaang libong lalaking tupa bilang tributo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.