2 Mga Hari 3

Si Haring Mesa ng Moab ay nagmamay-ari ng napakaraming tupa. Taon-taon siyang nagbibigay sa hari ng Israel ng isang daang libong batang tupa at balahibo ng isandaang libong lalaking tupa bilang tributo.

2 Kings 3:4 (UKJV) And Mesha king of Moab was a sheep breeder, and rendered unto the king of Israel an hundred thousand lambs, and an hundred thousand rams, with the wool.

2Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon, ngunit hindi katulad ng kanyang ama at ina. Ipinagiba niya ang alaalang bato ng diyos-diyosang si Baal na ipinatayo ng kanyang ama.

3Subalit ginawa rin niya ang mga kasalanang ginawa ni Jeroboam na anak ni Nebat at ito ang naging dahilan ng pagkakasala ng mga taga-Israel. Hindi niya tinalikuran ang mga kasalanang ito.

4Si Haring Mesa ng Moab ay nagmamay-ari ng napakaraming tupa. Taon-taon siyang nagbibigay sa hari ng Israel ng isang daang libong batang tupa at balahibo ng isandaang libong lalaking tupa bilang tributo.

5Ngunit pagkamatay ni Ahab, nagrebelde siya sa hari ng Israel.

6Kaya noong panahong iyon, tinipon ni Joram ang buong Israel at umalis sila sa Samaria upang lusubin ang Moab.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.