6Nang mapuno na ang lahat ng sisidlan, sinabi niya sa isa sa kanyang mga anak, “Bigyan mo pa ako ng sisidlan.” Sumagot ang anak niya, “Wala na pong sisidlan.” At tumigil na ang pag-agos ng langis.
7Pumunta ang babae kay Eliseo na lingkod ng Diyos at sinabi niya ang nangyari. Sinabi ni Eliseo sa kanya, “Umalis ka at ipagbili ang langis, at bayaran mo ang utang mo. May matitira ka pang sapat na pera na ikabubuhay ninyo ng mga anak mo.”
8Isang araw, pumunta si Eliseo sa Shunem. May mayamang babae roon na nakiusap kay Eliseo na dumaan muna at kumain. Simula noon, kapag dumaraan si Eliseo sa Shunem, humihinto siya sa bahay ng babae para kumain.
9Ngayon, nagsabi ang babae sa asawa niya, “Nalalaman ko na isang banal na lingkod ng Diyos ang taong ito na palaging dumadaan dito sa atin.
10Igawa natin siya ng maliit na kuwarto sa may bubungan, at lagyan natin ito ng higaan, mesa, upuan at ilawan, para kapag pupunta siya rito sa atin ay may matutuluyan siya.”