2 Mga Hari 4

Ngayon, nagsabi ang babae sa asawa niya, “Nalalaman ko na isang banal na lingkod ng Diyos ang taong ito na palaging dumadaan dito sa atin.

2 Kings 4:9 (UKJV) And she said unto her husband, Behold now, I perceive that this is an holy man of God, which passes by us continually.

7Pumunta ang babae kay Eliseo na lingkod ng Diyos at sinabi niya ang nangyari. Sinabi ni Eliseo sa kanya, “Umalis ka at ipagbili ang langis, at bayaran mo ang utang mo. May matitira ka pang sapat na pera na ikabubuhay ninyo ng mga anak mo.”

8Isang araw, pumunta si Eliseo sa Shunem. May mayamang babae roon na nakiusap kay Eliseo na dumaan muna at kumain. Simula noon, kapag dumaraan si Eliseo sa Shunem, humihinto siya sa bahay ng babae para kumain.

9Ngayon, nagsabi ang babae sa asawa niya, “Nalalaman ko na isang banal na lingkod ng Diyos ang taong ito na palaging dumadaan dito sa atin.

10Igawa natin siya ng maliit na kuwarto sa may bubungan, at lagyan natin ito ng higaan, mesa, upuan at ilawan, para kapag pupunta siya rito sa atin ay may matutuluyan siya.”

11Isang araw, nang pumunta si Eliseo sa Shunem, umakyat siya sa kuwarto at nagpahinga.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.