2 Mga Hari 5

Ang mga ilog ng Abana at Farpar sa Damasco ay mas mabuti kaysa sa ibang mga ilog dito sa Israel. Bakit hindi na lang ako roon lumubog para gumaling?” Kaya umalis siyang galit na galit.

2 Kings 5:12 (UKJV) Are not Abana and Pharpar, rivers of Damascus, better than all the waters of Israel? may I not wash in them, and be clean? So he turned and went away in a rage.

10Nagsugo si Eliseo ng mensahero para sabihin kay Naaman na pumunta siya sa Ilog Jordan, lumubog doon ng pitong beses at gagaling siya.

11Ngunit nagalit si Naaman at padabog na umalis. Sinabi niya, “Akala ko, talagang lalabas siya at haharap sa akin. Iniisip ko na tatawagin niya ang Panginoon niyang Diyos, at ikukumpas ang kanyang kamay sa ibabaw ng aking balat at pagagalingin ako.

12Ang mga ilog ng Abana at Farpar sa Damasco ay mas mabuti kaysa sa ibang mga ilog dito sa Israel. Bakit hindi na lang ako roon lumubog para gumaling?” Kaya umalis siyang galit na galit.

13Ngunit lumapit ang mga utusan niya at sinabi, “Amo, kung may ipinapagawa po sa inyo na malaking bagay ang propeta, hindi ba gagawin ninyo ito? Pero bakit hindi ninyo magawa ang sinabi niya na maghugas at gagaling kayo.”

14Kaya si Naaman ay pumunta sa Ilog Jordan at lumubog ng pitong beses, ayon sa sinabi ng lingkod ng Diyos. Gumaling nga ang kanyang sakit at kuminis ang kanyang balat gaya ng balat ng sanggol.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.