12Ang mga ilog ng Abana at Farpar sa Damasco ay mas mabuti kaysa sa ibang mga ilog dito sa Israel. Bakit hindi na lang ako roon lumubog para gumaling?” Kaya umalis siyang galit na galit.
13Ngunit lumapit ang mga utusan niya at sinabi, “Amo, kung may ipinapagawa po sa inyo na malaking bagay ang propeta, hindi ba gagawin ninyo ito? Pero bakit hindi ninyo magawa ang sinabi niya na maghugas at gagaling kayo.”
14Kaya si Naaman ay pumunta sa Ilog Jordan at lumubog ng pitong beses, ayon sa sinabi ng lingkod ng Diyos. Gumaling nga ang kanyang sakit at kuminis ang kanyang balat gaya ng balat ng sanggol.
15Pagkatapos, bumalik si Naaman at ang mga kasama niya sa lingkod ng Diyos. Tumayo siya sa harap ni Eliseo at sinabi, “Ngayon, napatunayan ko na wala nang ibang Diyos sa buong mundo maliban sa Diyos ng Israel. Kaya pakiusap, tanggapin mo ang regalo ko saʼyo, Ginoo.”
16Sumagot si Eliseo, “Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon na aking pinaglilingkuran, na hindi ako tatanggap ng anumang regalo.” Pinilit siya ni Naaman na tanggapin ang regalo, pero tumanggi siya.