2 Mga Hari 5

Sumagot si Eliseo, “Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon na aking pinaglilingkuran, na hindi ako tatanggap ng anumang regalo.” Pinilit siya ni Naaman na tanggapin ang regalo, pero tumanggi siya.

2 Kings 5:16 (UKJV) But he said, As the LORD lives, before whom I stand, I will receive none. And he urged him to take it; but he refused.

14Kaya si Naaman ay pumunta sa Ilog Jordan at lumubog ng pitong beses, ayon sa sinabi ng lingkod ng Diyos. Gumaling nga ang kanyang sakit at kuminis ang kanyang balat gaya ng balat ng sanggol.

15Pagkatapos, bumalik si Naaman at ang mga kasama niya sa lingkod ng Diyos. Tumayo siya sa harap ni Eliseo at sinabi, “Ngayon, napatunayan ko na wala nang ibang Diyos sa buong mundo maliban sa Diyos ng Israel. Kaya pakiusap, tanggapin mo ang regalo ko saʼyo, Ginoo.”

16Sumagot si Eliseo, “Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon na aking pinaglilingkuran, na hindi ako tatanggap ng anumang regalo.” Pinilit siya ni Naaman na tanggapin ang regalo, pero tumanggi siya.

17Sinabi ni Naaman, “Kung hindi mo tatanggapin ang regalo ko, bigyan mo na lang po ako ng lupa na kayang dalhin ng aking dalawang mola at dadalhin ko sa amin. Mula ngayon, hindi na ako mag-aalay ng mga handog na sinusunog at iba pang mga handog sa anumang diyos maliban sa Panginoon.

18Ngunit patawarin sana ako ng Panginoon kapag sumáma ako sa hari na pumunta sa templo ng diyos na si Rimon para sumamba. Dapat lang na gawin ko ito bilang opisyal ng hari. Patawarin sana ako ng Panginoon kung luluhod din ako roon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.