2 Mga Hari 5

sinabi ng utusan ni Propeta Eliseo na si Gehazi sa sarili niya, “Hindi dapat hinayaan ng aking amo na paalisin ang Arameong si Naaman nang hindi tinatanggap ang regalong dala niya. Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon na hahabulin ko siya at kukuha ako ng kahit ano sa kanya.”

2 Kings 5:20 (UKJV) But Gehazi, the servant of Elisha the man of God, said, Behold, my master has spared Naaman this Syrian, in not receiving at his hands that which he brought: but, as the LORD lives, I will run after him, and take somewhat of him.

18Ngunit patawarin sana ako ng Panginoon kapag sumáma ako sa hari na pumunta sa templo ng diyos na si Rimon para sumamba. Dapat lang na gawin ko ito bilang opisyal ng hari. Patawarin sana ako ng Panginoon kung luluhod din ako roon.”

19Sinabi ni Eliseo, “Umalis kang mapayapa.” Ngunit hindi pa nakakalayo si Naaman ay

20sinabi ng utusan ni Propeta Eliseo na si Gehazi sa sarili niya, “Hindi dapat hinayaan ng aking amo na paalisin ang Arameong si Naaman nang hindi tinatanggap ang regalong dala niya. Sumusumpa ako sa buháy na Panginoon na hahabulin ko siya at kukuha ako ng kahit ano sa kanya.”

21Kaya nagmamadaling hinabol ni Gehazi si Naaman. Nang makita ni Naaman si Gehazi na tumatakbo papunta sa kanya, bumaba siya sa karwahe at sinalubong ito. Nagtanong si Naaman, “May masama bang nangyari?”

22Sumagot si Gehazi, “Wala naman po. Isinugo po ako ng aking amo para sabihin sa inyo na may dumating na dalawang binatang propeta mula sa kaburulan ng Efraim. Pakibigyan ninyo sila ng tatlumpuʼt limang kilong pilak at dalawang pirasong damit.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.