2 Mga Hari 6

Kaya pumunta po tayo sa Ilog Jordan kung saan maraming punongkahoy, at doon tayo gumawa ng lugar na pagtitipunan natin.” Sinabi ni Eliseo, “Sige, lumakad na kayo.”

2 Kings 6:2 (UKJV) Let us go, we pray you, unto Jordan, and take thence every man a beam, and let us make us a place there, where we may dwell. And he answered, Go all of you.

1Isang araw, pumunta ang grupo ng mga propeta kay Eliseo at sinabi, “Nakikita po ninyo na maliit ang pinagtitipunan natin.

2Kaya pumunta po tayo sa Ilog Jordan kung saan maraming punongkahoy, at doon tayo gumawa ng lugar na pagtitipunan natin.” Sinabi ni Eliseo, “Sige, lumakad na kayo.”

3Ngunit sinabi ng isa sa kanila, “Makabubuti po sana kung sasáma po kayo sa amin.” Sumagot siya, “O sige, sasáma ako.”

4Kaya sumáma siya sa kanila. Pumunta nga sila sa Ilog Jordan at pumutol ng mga punongkahoy.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.