8sinabi niya kay Hazael, “Magdala ka ng regalo at salubungin mo ang lingkod ng Diyos. Sabihin mo sa kanya na tanungin ang Panginoon kung gagaling pa ako sa aking sakit.”
9Kaya pumunta si Hazael kay Eliseo na may dalang apatnapung kamelyo na kinargahan ng mga pinakamagandang produkto ng Damasco bilang regalo. Pagdating niya kay Eliseo, sinabi niya, “Inutusan po ako ng lingkod ninyong si Haring Ben-hadad ng Aram, para tanungin kayo kung gagaling pa siya sa sakit niya.”
10Sumagot si Eliseo, “Sabihin mo sa kanya na siguradong gagaling siya, pero sinabi sa akin ng Panginoon na tiyak na mamamatay siya.”
11Tinitigan niyang mabuti si Hazael hanggang sa nahiya ito. Pagkatapos, umiyak si Eliseo.
12Tinanong siya ni Hazael, “Ginoo, bakit po kayo umiiyak?” Sumagot siya, “Dahil nalalaman ko ang masamang gagawin mo sa mga Israelita. Susunugin mo ang matatatag na lungsod, papatayin mo ang mga binata nila sa pamamagitan ng espada, ihahampas mo ang maliliit nilang anak at hahatiin mo ang tiyan ng mga buntis.”