7Pumunta si Eliseo sa Damasco, kung saan naroon ang maysakit na si Ben-hadad, ang hari ng Aram. Nang mabalitaan ng hari na dumating ang lingkod ng Diyos,
8sinabi niya kay Hazael, “Magdala ka ng regalo at salubungin mo ang lingkod ng Diyos. Sabihin mo sa kanya na tanungin ang Panginoon kung gagaling pa ako sa aking sakit.”
9Kaya pumunta si Hazael kay Eliseo na may dalang apatnapung kamelyo na kinargahan ng mga pinakamagandang produkto ng Damasco bilang regalo. Pagdating niya kay Eliseo, sinabi niya, “Inutusan po ako ng lingkod ninyong si Haring Ben-hadad ng Aram, para tanungin kayo kung gagaling pa siya sa sakit niya.”
10Sumagot si Eliseo, “Sabihin mo sa kanya na siguradong gagaling siya, pero sinabi sa akin ng Panginoon na tiyak na mamamatay siya.”
11Tinitigan niyang mabuti si Hazael hanggang sa nahiya ito. Pagkatapos, umiyak si Eliseo.