2 Mga Hari 8

Pumunta si Eliseo sa Damasco, kung saan naroon ang maysakit na si Ben-hadad, ang hari ng Aram. Nang mabalitaan ng hari na dumating ang lingkod ng Diyos,

2 Kings 8:7 (UKJV) And Elisha came to Damascus; and Benhadad the king of Syria was sick; and it was told him, saying, The man of God has come here.

5Habang ikinukuwento ni Gehazi sa hari kung paano binuhay ni Eliseo ang isang batang namatay, lumapit sa hari ang ina ng bata at nagmakaawa na maibalik ang kanyang bahay at lupa. Sinabi ni Gehazi, “Mahal na Hari, ito po ang babae at ang anak niyang binuhay ni Eliseo.”

6Tinanong ng hari ang babae kung totoo ba ang tungkol doon at sinabi ng babae na totoo iyon. Kaya nagpatawag ang hari ng isang opisyal para tulungan ang babae. Sinabi niya sa opisyal, “Tulungan mo siyang maibalik ang lahat ng nawala sa kanya, kasama ang lahat ng perang dapat kinita niya na galing sa bukid niya mula nang siyaʼy umalis hanggang ngayon.”

7Pumunta si Eliseo sa Damasco, kung saan naroon ang maysakit na si Ben-hadad, ang hari ng Aram. Nang mabalitaan ng hari na dumating ang lingkod ng Diyos,

8sinabi niya kay Hazael, “Magdala ka ng regalo at salubungin mo ang lingkod ng Diyos. Sabihin mo sa kanya na tanungin ang Panginoon kung gagaling pa ako sa aking sakit.”

9Kaya pumunta si Hazael kay Eliseo na may dalang apatnapung kamelyo na kinargahan ng mga pinakamagandang produkto ng Damasco bilang regalo. Pagdating niya kay Eliseo, sinabi niya, “Inutusan po ako ng lingkod ninyong si Haring Ben-hadad ng Aram, para tanungin kayo kung gagaling pa siya sa sakit niya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.