2 Mga Hari 9

Tumayo si Jehu at pumasok sa bahay. Pagkatapos, ibinuhos ng propeta ang langis sa ulo ni Jehu at sinabi, “Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: Pinili kitang maging hari ng mga mamamayan ng Panginoon sa Israel.

2 Kings 9:6 (UKJV) And he arose, and went into the house; and he poured the oil on his head, and said unto him, Thus says the LORD God of Israel, I have anointed you king over the people of the LORD, even over Israel.

4Kaya pumunta ang binatang propeta sa Ramot-gilead.

5Pagdating niya roon, nakita niyang nakaupo ang mga opisyal na mga sundalo. Sinabi niya, “May mensahe po ako para sa inyo, mahal na pinuno.” Nagtanong si Jehu, “Para kanino ʼyan?” Sumagot ang tao, “Para po sa inyo, mahal na pinuno.”

6Tumayo si Jehu at pumasok sa bahay. Pagkatapos, ibinuhos ng propeta ang langis sa ulo ni Jehu at sinabi, “Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel: Pinili kitang maging hari ng mga mamamayan ng Panginoon sa Israel.

7Patayin mo ang pamilya ni Ahab na iyong amo. Sa ganitong paraan, maipaghihiganti ko ang mga propeta at ang iba pang mga lingkod ng Panginoon na pinatay ni Jezebel.

8Mauubos ang lahat ng miyembro ng pamilya ni Ahab. Papatayin ko ang lahat ng lalaki sa kanyang pamilya, alipin man o hindi.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.