2 Samuel 1

Nang ikatlong araw, may dumating na tao sa Ziklag mula sa kampo ni Saul; punit ang damit niya at may alikabok ang ulo. Lumapit siya kay David at yumukod bilang paggalang.

2 Samuel 1:2 (UKJV) It came even to pass on the third day, that, behold, a man came out of the camp from Saul with his clothes rent, and earth upon his head: and so it was, when he came to David, that he fell to the earth, and did reverence.

1Samantala, bumalik sina David sa Ziklag pagkatapos ng matagumpay nilang pakikipaglaban sa mga Amalekita at nanatili muna sila nang dalawang araw doon. Patay na noon si Saul.

2Nang ikatlong araw, may dumating na tao sa Ziklag mula sa kampo ni Saul; punit ang damit niya at may alikabok ang ulo. Lumapit siya kay David at yumukod bilang paggalang.

3Tinanong siya ni David, “Saan ka nanggaling?” Sumagot siya, “Tumakas po ako mula sa kampo ng mga Israelita.”

4Nagtanong si David, “Bakit, anoʼng nangyari? Sabihin mo sa akin.” “Tumakas po ang mga sundalo ng Israel sa labanan. Maraming napatay sa kanila pati na po si Saul at ang anak niyang si Jonatan,” sagot niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.