2 Samuel 1

Nagtanong si David, “Bakit, anoʼng nangyari? Sabihin mo sa akin.” “Tumakas po ang mga sundalo ng Israel sa labanan. Maraming napatay sa kanila pati na po si Saul at ang anak niyang si Jonatan,” sagot niya.

2 Samuel 1:4 (UKJV) And David said unto him, How went the matter? I pray you, tell me. And he answered, That the people are fled from the battle, and many of the people also are fallen and dead; and Saul and Jonathan his son are dead also.

2Nang ikatlong araw, may dumating na tao sa Ziklag mula sa kampo ni Saul; punit ang damit niya at may alikabok ang ulo. Lumapit siya kay David at yumukod bilang paggalang.

3Tinanong siya ni David, “Saan ka nanggaling?” Sumagot siya, “Tumakas po ako mula sa kampo ng mga Israelita.”

4Nagtanong si David, “Bakit, anoʼng nangyari? Sabihin mo sa akin.” “Tumakas po ang mga sundalo ng Israel sa labanan. Maraming napatay sa kanila pati na po si Saul at ang anak niyang si Jonatan,” sagot niya.

5Tinanong siyang muli ni David, “Paano mo nalamang patay na sina Saul at Jonatan?”

6“Nagkataon pong nandoon ako sa Bundok ng Gilboa, at nakita ko roon si Saul na nakasandal sa sibat niya. Palapit na po sa kanya ang mga kalaban na nakasakay sa mga karwahe at kabayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.