2 Samuel 1

“Nagkataon pong nandoon ako sa Bundok ng Gilboa, at nakita ko roon si Saul na nakasandal sa sibat niya. Palapit na po sa kanya ang mga kalaban na nakasakay sa mga karwahe at kabayo.

2 Samuel 1:6 (UKJV) And the young man that told him said, As I happened by chance upon mount Gilboa, behold, Saul leaned upon his spear; and, lo, the chariots and horsemen followed hard after him.

4Nagtanong si David, “Bakit, anoʼng nangyari? Sabihin mo sa akin.” “Tumakas po ang mga sundalo ng Israel sa labanan. Maraming napatay sa kanila pati na po si Saul at ang anak niyang si Jonatan,” sagot niya.

5Tinanong siyang muli ni David, “Paano mo nalamang patay na sina Saul at Jonatan?”

6“Nagkataon pong nandoon ako sa Bundok ng Gilboa, at nakita ko roon si Saul na nakasandal sa sibat niya. Palapit na po sa kanya ang mga kalaban na nakasakay sa mga karwahe at kabayo.

7“Nang lumingon siyaʼy nakita niya ako at tinawag. Kaya sinabi ko, ‘Ano po ang maipaglilingkod ko?’

8“Tinanong niya kung sino ako at sinabi ko na isa akong Amalekita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.