22Sa pamamagitan ng espada ni Saul at pana ni Jonatan, maraming magigiting na kalaban ang kanilang napatay.
23Minahal at kinagiliwan ng mga Israelita sina Saul at Jonatan. Magkasama sila sa buhay at kamatayan. Sa digmaan, mas mabilis pa sila sa agila at mas malakas pa sa leon.
24Mga babae ng Israel, magdalamhati kayo para kay Saul. Dahil sa kanyaʼy nakapagsuot kayo ng mga mamahaling damit at alahas na ginto.
25Ang magigiting na sundalo ng Israel ay napatay sa labanan. Pinatay din si Jonatan sa inyong kabundukan.
26Nagdadalamhati ako sa iyo, Jonatan kapatid ko! Mahal na mahal kita; ang pagmamahal mo sa akin ay higit pa sa pagmamahal ng mga babae.