2 Samuel 10

Talagang hiyang-hiya silang umuwi dahil sa kanilang itsura. At nang mabalitaan ni Haring David ang nangyari, nagsugo siya ng mga mensahero para sabihin sa mga opisyal niya na manatili muna sila sa Jerico hanggang sa tumubo na ang mga balbas nila. Pagkatapos, maaari na silang umuwi.

2 Samuel 10:5 (UKJV) When they told it unto David, he sent to meet them, because the men were greatly ashamed: and the king said, Tarry at Jericho until your beards be grown, and then return.

3sinabi ng mga opisyal ng mga Amonita kay Hanun na kanilang hari, “Tingin nʼyo baʼy pinaparangalan ni David ang inyong ama sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga tauhan upang makiramay sa kalungkutan ninyo? Hindi! Ipinadala niya ang mga taong iyan para manmanan lang ang lungsod natin at wasakin.”

4Kaya ipinadakip ni Hanun ang mga tauhan ni David, inahit ang kalahati ng kanilang balbas, at ginupit ang kanilang mga damit mula baywang pababa at pagkatapos ay pinauwi sila.

5Talagang hiyang-hiya silang umuwi dahil sa kanilang itsura. At nang mabalitaan ni Haring David ang nangyari, nagsugo siya ng mga mensahero para sabihin sa mga opisyal niya na manatili muna sila sa Jerico hanggang sa tumubo na ang mga balbas nila. Pagkatapos, maaari na silang umuwi.

6Nang mapagtanto ng mga Amonita na ginalit nila si David, umupa sila ng dalawampung libong sundalong Arameo mula sa Bet-rehob at Zoba. Inupahan din nila ang hari ng Maaca at isang libong sundalo nito, at labindalawang libong sundalo mula sa Tob.

7Nang marinig ito ni David, ipinadala niya si Joab at ang lahat ng sundalo niya sa pakikipaglaban.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.