2 Samuel 10

Nang mapagtanto ng mga Amonita na ginalit nila si David, umupa sila ng dalawampung libong sundalong Arameo mula sa Bet-rehob at Zoba. Inupahan din nila ang hari ng Maaca at isang libong sundalo nito, at labindalawang libong sundalo mula sa Tob.

2 Samuel 10:6 (UKJV) And when the children of Ammon saw that they stank before David, the children of Ammon sent and hired the Syrians of Bethrehob and the Syrians of Zoba, twenty thousand footmen, and of king Maacah a thousand men, and of Ishtob twelve thousand men.

4Kaya ipinadakip ni Hanun ang mga tauhan ni David, inahit ang kalahati ng kanilang balbas, at ginupit ang kanilang mga damit mula baywang pababa at pagkatapos ay pinauwi sila.

5Talagang hiyang-hiya silang umuwi dahil sa kanilang itsura. At nang mabalitaan ni Haring David ang nangyari, nagsugo siya ng mga mensahero para sabihin sa mga opisyal niya na manatili muna sila sa Jerico hanggang sa tumubo na ang mga balbas nila. Pagkatapos, maaari na silang umuwi.

6Nang mapagtanto ng mga Amonita na ginalit nila si David, umupa sila ng dalawampung libong sundalong Arameo mula sa Bet-rehob at Zoba. Inupahan din nila ang hari ng Maaca at isang libong sundalo nito, at labindalawang libong sundalo mula sa Tob.

7Nang marinig ito ni David, ipinadala niya si Joab at ang lahat ng sundalo niya sa pakikipaglaban.

8Pumuwesto ang mga Amonita sa bungad ng kanilang lungsod, habang ang mga Arameo naman na galing sa Rehob at Zoba at ang mga sundalong galing sa Tob at Maaca ay naroon sa kapatagan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.