2 Samuel 12

Sumagot si David, “Oo, nag-ayuno ako at umiyak noong buháy pa ang bata dahil inisip ko na baka kaawaan ako ng Panginoon at hindi niya hahayaang mamatay ang bata.

2 Samuel 12:22 (UKJV) And he said, While the child was yet alive, I fasted and wept: for I said, Who can tell whether GOD will be gracious to me, that the child may live?

20Pagkarinig nito, bumangon si David, naligo, nagpahid ng mabangong langis at nagpalit ng damit. Pumunta siya sa bahay ng Panginoon at sumamba. Pagkatapos, umuwi siya, nagpahain, at kumain.

21Sinabi ng mga lingkod niya, “Hindi po namin kayo maintindihan. Noong buháy pa ang bata, nag-aayuno po kayo at umiiyak, pero ngayong patay na ang bata, bumangon kayo at kumain!”

22Sumagot si David, “Oo, nag-ayuno ako at umiyak noong buháy pa ang bata dahil inisip ko na baka kaawaan ako ng Panginoon at hindi niya hahayaang mamatay ang bata.

23Ngunit ngayong patay na ang bata, bakit pa ako mag-aayuno? Mabubuhay ko pa ba siya? Darating ang panahon na makakapunta ako sa kinaroroonan niya, pero hindi na siya makakabalik sa akin.”

24Dinamayan ni David ang asawa niyang si Batsheba, at nagsiping sila. Nabuntis si Batsheba at nanganak ng isang lalaki, at pinangalanan nila siyang Solomon. Minahal ng Panginoon ang bata,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.