2 Samuel 12

Ngunit ngayong patay na ang bata, bakit pa ako mag-aayuno? Mabubuhay ko pa ba siya? Darating ang panahon na makakapunta ako sa kinaroroonan niya, pero hindi na siya makakabalik sa akin.”

2 Samuel 12:23 (UKJV) But now he is dead, wherefore should I fast? can I bring him back again? I shall go to him, but he shall not return to me.

21Sinabi ng mga lingkod niya, “Hindi po namin kayo maintindihan. Noong buháy pa ang bata, nag-aayuno po kayo at umiiyak, pero ngayong patay na ang bata, bumangon kayo at kumain!”

22Sumagot si David, “Oo, nag-ayuno ako at umiyak noong buháy pa ang bata dahil inisip ko na baka kaawaan ako ng Panginoon at hindi niya hahayaang mamatay ang bata.

23Ngunit ngayong patay na ang bata, bakit pa ako mag-aayuno? Mabubuhay ko pa ba siya? Darating ang panahon na makakapunta ako sa kinaroroonan niya, pero hindi na siya makakabalik sa akin.”

24Dinamayan ni David ang asawa niyang si Batsheba, at nagsiping sila. Nabuntis si Batsheba at nanganak ng isang lalaki, at pinangalanan nila siyang Solomon. Minahal ng Panginoon ang bata,

25at nagpadala siya ng mensahe kay Propeta Natan na pangalanang Jedidia ang bata dahil mahal siya ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.