2 Samuel 12

Sinabi ng mga lingkod niya, “Hindi po namin kayo maintindihan. Noong buháy pa ang bata, nag-aayuno po kayo at umiiyak, pero ngayong patay na ang bata, bumangon kayo at kumain!”

2 Samuel 12:21 (UKJV) Then said his servants unto him, What thing is this that you have done? you did fast and weep for the child, while it was alive; but when the child was dead, you did rise and eat bread.

19Napansin ni David na nagbubulungan ang mga alipin niya, kaya pakiramdam niya, patay na ang bata. Nagtanong siya, “Patay na ba ang bata?” Sumagot sila, “Patay na po siya.”

20Pagkarinig nito, bumangon si David, naligo, nagpahid ng mabangong langis at nagpalit ng damit. Pumunta siya sa bahay ng Panginoon at sumamba. Pagkatapos, umuwi siya, nagpahain, at kumain.

21Sinabi ng mga lingkod niya, “Hindi po namin kayo maintindihan. Noong buháy pa ang bata, nag-aayuno po kayo at umiiyak, pero ngayong patay na ang bata, bumangon kayo at kumain!”

22Sumagot si David, “Oo, nag-ayuno ako at umiyak noong buháy pa ang bata dahil inisip ko na baka kaawaan ako ng Panginoon at hindi niya hahayaang mamatay ang bata.

23Ngunit ngayong patay na ang bata, bakit pa ako mag-aayuno? Mabubuhay ko pa ba siya? Darating ang panahon na makakapunta ako sa kinaroroonan niya, pero hindi na siya makakabalik sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.