2 Samuel 14

Sinabi ng babae, “Mahal na Hari, sumumpa po kayo sa Panginoon na inyong Diyos, na hindi nʼyo papayagang may maghiganti pa sa anak ko upang hindi na lumala ang pangyayari, at para hindi mapatay ang anak ko.” Sumagot si Haring David, “Isinusumpa ko sa Panginoon na buháy, na hindi mapapahamak ang anak mo.”

2 Samuel 14:11 (UKJV) Then said she, I pray you, let the king remember the LORD your God, that you would not suffer the revengers of blood to destroy any more, lest they destroy my son. And he said, As the LORD lives, there shall not one hair of your son fall to the earth.

9Sinabi ng babae, “Mahal na Hari, kung kayo man po ay babatikusin dahil sa pagpanig nʼyo sa akin, ako po at ang aking pamilya ang mananagot at hindi kayo.”

10Sumagot ang hari, “Kung may magbabanta sa iyo, dalhin mo siya sa akin at titiyakin kong hindi ka na niya muling gagambalain.”

11Sinabi ng babae, “Mahal na Hari, sumumpa po kayo sa Panginoon na inyong Diyos, na hindi nʼyo papayagang may maghiganti pa sa anak ko upang hindi na lumala ang pangyayari, at para hindi mapatay ang anak ko.” Sumagot si Haring David, “Isinusumpa ko sa Panginoon na buháy, na hindi mapapahamak ang anak mo.”

12Sinabi ng babae, “Mahal na Hari, may isa pa po akong hihilingin sa inyo.” Sumagot ang hari, “Sige, sabihin mo.”

13Sinabi ng babae, “Bakit hindi nʼyo po gawin sa mga mamamayan ng Diyos ang ipinangako nʼyong gagawin para sa akin? Kayo na po ang humatol sa inyong sarili sa ginawa nʼyong desisyon, mahal na hari, dahil sa hindi nʼyo pagpapabalik sa itinaboy nʼyong anak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.