2 Samuel 15

Pagkatapos, naghanda si Absalom ng karwahe at mga kabayo, at limampung personal niyang guwardiya.

2 Samuel 15:1 (UKJV) And it came to pass after this, that Absalom prepared him chariots and horses, and fifty men to run before him.

1Pagkatapos, naghanda si Absalom ng karwahe at mga kabayo, at limampung personal niyang guwardiya.

2Maaga siyang gumigising araw-araw at tumatayo sa gilid ng daan papunta sa pintuan ng lungsod. Kapag may dumarating na tao para idulog sa hari ang kanyang kaso, tinatanong ni Absalom kung taga-saan ito, at sinasabi ng tao kung saang lahi ng Israel siya nagmula.

3Pagkatapos, sinasabi sa kanya ni Absalom, “Malaki ang pag-asa mong manalo sa iyong kaso, kaya lang, walang kinatawan ang hari para duminig ng kaso mo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.