1Pagkatapos, naghanda si Absalom ng karwahe at mga kabayo, at limampung personal niyang guwardiya.
2Maaga siyang gumigising araw-araw at tumatayo sa gilid ng daan papunta sa pintuan ng lungsod. Kapag may dumarating na tao para idulog sa hari ang kanyang kaso, tinatanong ni Absalom kung taga-saan ito, at sinasabi ng tao kung saang lahi ng Israel siya nagmula.
3Pagkatapos, sinasabi sa kanya ni Absalom, “Malaki ang pag-asa mong manalo sa iyong kaso, kaya lang, walang kinatawan ang hari para duminig ng kaso mo.
4Kung ako sana ang hukom, makakalapit sa akin ang bawat tao na mayroong reklamo o kaso, at titiyakin kong mabibigyan siya ng hustisya.”