2 Samuel 15

Ngunit nang dumating si Absalom sa Hebron, lihim siyang nagsugo ng mga mensahero sa buong Israel para sabihin, “Kapag narinig nʼyo ang tunog ng trumpeta, sumigaw kayo, ‘Si Absalom na ang hari ng Israel, at doon siya naghahari sa Hebron!’ ”

2 Samuel 15:10 (UKJV) But Absalom sent spies throughout all the tribes of Israel, saying, As soon as all of you hear the sound of the trumpet, then all of you shall say, Absalom reigns in Hebron.

8Noong naninirahan pa ako sa Gesur na sakop ng Aram, nangako ako sa Panginoon na kung pababalikin ulit ako ng Panginoon sa Jerusalem, sasamba ako sa kanya sa Hebron.”

9Sinabi ng hari sa kanya, “Sige, magkaroon ka sana ng matiwasay na paglalakbay.” Kaya pumunta si Absalom sa Hebron.

10Ngunit nang dumating si Absalom sa Hebron, lihim siyang nagsugo ng mga mensahero sa buong Israel para sabihin, “Kapag narinig nʼyo ang tunog ng trumpeta, sumigaw kayo, ‘Si Absalom na ang hari ng Israel, at doon siya naghahari sa Hebron!’ ”

11At may dalawandaang lalaki mula sa Jerusalem na sumama kay Absalom. Silaʼy inimbitahan lamang at wala silang kaalam-alam sa mga plano ni Absalom.

12Habang naghahandog si Absalom, ipinatawag niya si Ahitofel na taga-Gilo. Isa siya sa mga tagapayo ni David. Habang tumatagal, lalong dumarami ang mga tagasunod ni Absalom, kaya lumakas nang lumakas ang plano niyang pagrerebelde laban kay David.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.