2 Samuel 15

Sinabi ni David sa lahat ng kasama niyang opisyal sa Jerusalem, “Bilisan nʼyo, kailangan nating makatakas agad. Baka sumalakay si Absalom at maabutan niya tayo at pagpapatayin tayong lahat pati na ang mga nakatira rito sa lungsod. Dalian nʼyo, kung gusto ninyong makaligtas kay Absalom!”

2 Samuel 15:14 (UKJV) And David said unto all his servants that were with him at Jerusalem, Arise, and let us flee; for we shall not else escape from Absalom: make speed to depart, lest he overtake us suddenly, and bring evil upon us, and strike the city with the edge of the sword.

12Habang naghahandog si Absalom, ipinatawag niya si Ahitofel na taga-Gilo. Isa siya sa mga tagapayo ni David. Habang tumatagal, lalong dumarami ang mga tagasunod ni Absalom, kaya lumakas nang lumakas ang plano niyang pagrerebelde laban kay David.

13May isang mensaherong nagsabi kay David, “Nakuha na ni Absalom ang loob ng mga mamamayan ng Israel.”

14Sinabi ni David sa lahat ng kasama niyang opisyal sa Jerusalem, “Bilisan nʼyo, kailangan nating makatakas agad. Baka sumalakay si Absalom at maabutan niya tayo at pagpapatayin tayong lahat pati na ang mga nakatira rito sa lungsod. Dalian nʼyo, kung gusto ninyong makaligtas kay Absalom!”

15Sinabi ng mga opisyal, “Mahal na Hari, handa po kaming gawin ang anumang sabihin nʼyo sa amin.”

16Kaya lumakad si Haring David kasama ang buong sambahayan niya, ngunit iniwan niya ang sampu niyang asawang alipin para asikasuhin ang palasyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.