2 Samuel 15

Kaya lumakad si Haring David kasama ang buong sambahayan niya, ngunit iniwan niya ang sampu niyang asawang alipin para asikasuhin ang palasyo.

2 Samuel 15:16 (UKJV) And the king went forth, and all his household after him. And the king left ten women, which were concubines, to keep the house.

14Sinabi ni David sa lahat ng kasama niyang opisyal sa Jerusalem, “Bilisan nʼyo, kailangan nating makatakas agad. Baka sumalakay si Absalom at maabutan niya tayo at pagpapatayin tayong lahat pati na ang mga nakatira rito sa lungsod. Dalian nʼyo, kung gusto ninyong makaligtas kay Absalom!”

15Sinabi ng mga opisyal, “Mahal na Hari, handa po kaming gawin ang anumang sabihin nʼyo sa amin.”

16Kaya lumakad si Haring David kasama ang buong sambahayan niya, ngunit iniwan niya ang sampu niyang asawang alipin para asikasuhin ang palasyo.

17Lumakad na si David at ang mga tauhan niya, at huminto sila sa tapat ng kahuli-hulihang bahay ng lungsod,

18at pinauna ni David ang lahat ng tauhan niya, pati na ang lahat ng personal niyang tagapagbantay na mga Kereteo at Peleteo. Sumunod ang 600 tao na galing sa Gat at sumáma kay David.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.