15Sinabi ng mga opisyal, “Mahal na Hari, handa po kaming gawin ang anumang sabihin nʼyo sa amin.”
16Kaya lumakad si Haring David kasama ang buong sambahayan niya, ngunit iniwan niya ang sampu niyang asawang alipin para asikasuhin ang palasyo.
17Lumakad na si David at ang mga tauhan niya, at huminto sila sa tapat ng kahuli-hulihang bahay ng lungsod,
18at pinauna ni David ang lahat ng tauhan niya, pati na ang lahat ng personal niyang tagapagbantay na mga Kereteo at Peleteo. Sumunod ang 600 tao na galing sa Gat at sumáma kay David.
19Sinabi ni David kay Itai na pinuno ng mga taga-Gat, “Bakit kayo sumasama sa amin? Bumalik kayo sa Jerusalem, sa bagong hari ninyong si Absalom. Mga dayuhan lang kayo sa Israel na tumakas mula sa lugar ninyo.