2 Samuel 15

Ngunit sumagot si Itai sa hari, “Sumusumpa po ako sa Panginoon na buháy at sa inyo, Mahal na Hari, sasáma po kami sa inyo kahit saan kayo pumunta, kahit kamatayan pa ang kahinatnan namin.”

2 Samuel 15:21 (UKJV) And Ittai answered the king, and said, As the LORD lives, and as my lord the king lives, surely in what place my lord the king shall be, whether in death or life, even there also will your servant be.

19Sinabi ni David kay Itai na pinuno ng mga taga-Gat, “Bakit kayo sumasama sa amin? Bumalik kayo sa Jerusalem, sa bagong hari ninyong si Absalom. Mga dayuhan lang kayo sa Israel na tumakas mula sa lugar ninyo.

20Kadarating lang ninyo dito, tapos ngayon sasáma kayo sa amin? Hindi nga namin alam kung saan kami pupunta! Bumalik na kayo kasama ng mga kababayan nʼyo, at ipakita sana sa inyo ng Panginoon ang pagmamahal niya at katapatan.”

21Ngunit sumagot si Itai sa hari, “Sumusumpa po ako sa Panginoon na buháy at sa inyo, Mahal na Hari, sasáma po kami sa inyo kahit saan kayo pumunta, kahit kamatayan pa ang kahinatnan namin.”

22Sinabi ni David sa kanya, “Kung ganoon, sige, sumáma kayo sa amin.” Kaya lumakad si Itai at ang lahat ng tauhan niya, at ang pamilya niya.

23Humagulgol ang mga tao sa Jerusalem habang dumadaan ang mga tauhan ni Haring David. Tumawid si David sa Lambak ng Kidron kasama ang kanyang mga tauhan patungo sa ilang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.