20Kadarating lang ninyo dito, tapos ngayon sasáma kayo sa amin? Hindi nga namin alam kung saan kami pupunta! Bumalik na kayo kasama ng mga kababayan nʼyo, at ipakita sana sa inyo ng Panginoon ang pagmamahal niya at katapatan.”
21Ngunit sumagot si Itai sa hari, “Sumusumpa po ako sa Panginoon na buháy at sa inyo, Mahal na Hari, sasáma po kami sa inyo kahit saan kayo pumunta, kahit kamatayan pa ang kahinatnan namin.”
22Sinabi ni David sa kanya, “Kung ganoon, sige, sumáma kayo sa amin.” Kaya lumakad si Itai at ang lahat ng tauhan niya, at ang pamilya niya.
23Humagulgol ang mga tao sa Jerusalem habang dumadaan ang mga tauhan ni Haring David. Tumawid si David sa Lambak ng Kidron kasama ang kanyang mga tauhan patungo sa ilang.
24Sumama rin ang paring si Sadoc, at ang lahat ng mga Levita na sumama sa kanya ay buhat-buhat ang Kahon ng Diyos. Inilagay nila ang Kahon ng Kasunduan sa tabi ng daan at naghandog si Abiatar hanggang sa makaalis ang lahat ng tauhan ni David sa lungsod.