2 Samuel 15

Kadarating lang ninyo dito, tapos ngayon sasáma kayo sa amin? Hindi nga namin alam kung saan kami pupunta! Bumalik na kayo kasama ng mga kababayan nʼyo, at ipakita sana sa inyo ng Panginoon ang pagmamahal niya at katapatan.”

2 Samuel 15:20 (UKJV) Whereas you came but yesterday, should I this day make you go up and down with us? seeing I go where I may, return you, and take back your brethren: mercy and truth be with you.

18at pinauna ni David ang lahat ng tauhan niya, pati na ang lahat ng personal niyang tagapagbantay na mga Kereteo at Peleteo. Sumunod ang 600 tao na galing sa Gat at sumáma kay David.

19Sinabi ni David kay Itai na pinuno ng mga taga-Gat, “Bakit kayo sumasama sa amin? Bumalik kayo sa Jerusalem, sa bagong hari ninyong si Absalom. Mga dayuhan lang kayo sa Israel na tumakas mula sa lugar ninyo.

20Kadarating lang ninyo dito, tapos ngayon sasáma kayo sa amin? Hindi nga namin alam kung saan kami pupunta! Bumalik na kayo kasama ng mga kababayan nʼyo, at ipakita sana sa inyo ng Panginoon ang pagmamahal niya at katapatan.”

21Ngunit sumagot si Itai sa hari, “Sumusumpa po ako sa Panginoon na buháy at sa inyo, Mahal na Hari, sasáma po kami sa inyo kahit saan kayo pumunta, kahit kamatayan pa ang kahinatnan namin.”

22Sinabi ni David sa kanya, “Kung ganoon, sige, sumáma kayo sa amin.” Kaya lumakad si Itai at ang lahat ng tauhan niya, at ang pamilya niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.