2 Samuel 15

Sumama rin ang paring si Sadoc, at ang lahat ng mga Levita na sumama sa kanya ay buhat-buhat ang Kahon ng Diyos. Inilagay nila ang Kahon ng Kasunduan sa tabi ng daan at naghandog si Abiatar hanggang sa makaalis ang lahat ng tauhan ni David sa lungsod.

2 Samuel 15:24 (UKJV) And lo Zadok also, and all the Levites were with him, bearing the ark of the covenant of God: and they set down the ark of God; and Abiathar went up, until all the people had done passing out of the city.

22Sinabi ni David sa kanya, “Kung ganoon, sige, sumáma kayo sa amin.” Kaya lumakad si Itai at ang lahat ng tauhan niya, at ang pamilya niya.

23Humagulgol ang mga tao sa Jerusalem habang dumadaan ang mga tauhan ni Haring David. Tumawid si David sa Lambak ng Kidron kasama ang kanyang mga tauhan patungo sa ilang.

24Sumama rin ang paring si Sadoc, at ang lahat ng mga Levita na sumama sa kanya ay buhat-buhat ang Kahon ng Diyos. Inilagay nila ang Kahon ng Kasunduan sa tabi ng daan at naghandog si Abiatar hanggang sa makaalis ang lahat ng tauhan ni David sa lungsod.

25Pagkatapos, sinabi ni David kay Sadoc, “Ibalik ninyo ang Kahon ng Kasunduan ng Diyos sa Jerusalem. Kung nalulugod sa akin ang Panginoon, pababalikin niya ako sa Jerusalem at makikita ko muli ang Kahon at ang lugar na kinalalagyan nito.

26Ngunit kung sasabihin niyang, ‘Hindi ako nalulugod saʼyo,’ handa ako sa anumang loobin niya sa akin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.