24Sumama rin ang paring si Sadoc, at ang lahat ng mga Levita na sumama sa kanya ay buhat-buhat ang Kahon ng Diyos. Inilagay nila ang Kahon ng Kasunduan sa tabi ng daan at naghandog si Abiatar hanggang sa makaalis ang lahat ng tauhan ni David sa lungsod.
25Pagkatapos, sinabi ni David kay Sadoc, “Ibalik ninyo ang Kahon ng Kasunduan ng Diyos sa Jerusalem. Kung nalulugod sa akin ang Panginoon, pababalikin niya ako sa Jerusalem at makikita ko muli ang Kahon at ang lugar na kinalalagyan nito.
26Ngunit kung sasabihin niyang, ‘Hindi ako nalulugod saʼyo,’ handa ako sa anumang loobin niya sa akin.”
27Sinabi pa ni Haring David sa paring si Sadoc, “Naiintindihan mo ba ako? Bumalik kayo ni Abiatar sa Jerusalem nang matiwasay. Isama ninyo ang anak mong si Ahimaaz at ang anak ni Abiatar na si Jonatan, at magmanman kayo roon.
28Maghihintay ako sa tawiran ng ilog sa disyerto hanggang sa makatanggap ako ng balita galing sa inyo.”