26Ngunit kung sasabihin niyang, ‘Hindi ako nalulugod saʼyo,’ handa ako sa anumang loobin niya sa akin.”
27Sinabi pa ni Haring David sa paring si Sadoc, “Naiintindihan mo ba ako? Bumalik kayo ni Abiatar sa Jerusalem nang matiwasay. Isama ninyo ang anak mong si Ahimaaz at ang anak ni Abiatar na si Jonatan, at magmanman kayo roon.
28Maghihintay ako sa tawiran ng ilog sa disyerto hanggang sa makatanggap ako ng balita galing sa inyo.”
29Kaya ibinalik nina Sadoc at Abiatar ang Kahon ng Diyos sa Jerusalem, at nanatili sila roon.
30Umiiyak na umakyat si David sa Bundok ng Olibo. Nakapaa lang siya at tinakpan niya ang ulo niya bilang pagdadalamhati. Nakatakip din ng ulo ang mga kasama niya at umiiyak habang umaakyat.