25Pagkatapos, sinabi ni David kay Sadoc, “Ibalik ninyo ang Kahon ng Kasunduan ng Diyos sa Jerusalem. Kung nalulugod sa akin ang Panginoon, pababalikin niya ako sa Jerusalem at makikita ko muli ang Kahon at ang lugar na kinalalagyan nito.
26Ngunit kung sasabihin niyang, ‘Hindi ako nalulugod saʼyo,’ handa ako sa anumang loobin niya sa akin.”
27Sinabi pa ni Haring David sa paring si Sadoc, “Naiintindihan mo ba ako? Bumalik kayo ni Abiatar sa Jerusalem nang matiwasay. Isama ninyo ang anak mong si Ahimaaz at ang anak ni Abiatar na si Jonatan, at magmanman kayo roon.
28Maghihintay ako sa tawiran ng ilog sa disyerto hanggang sa makatanggap ako ng balita galing sa inyo.”
29Kaya ibinalik nina Sadoc at Abiatar ang Kahon ng Diyos sa Jerusalem, at nanatili sila roon.