2 Samuel 15

May nagsabi kay David na si Ahitofel ay sumáma na kay Absalom. Kaya nanalangin si David, “Panginoon, gawin po ninyong walang kabuluhan ang mga payo ni Ahitofel.”

2 Samuel 15:31 (UKJV) And one told David, saying, Ahithophel is among the conspirators with Absalom. And David said, O LORD, I pray you, turn the counsel of Ahithophel into foolishness.

29Kaya ibinalik nina Sadoc at Abiatar ang Kahon ng Diyos sa Jerusalem, at nanatili sila roon.

30Umiiyak na umakyat si David sa Bundok ng Olibo. Nakapaa lang siya at tinakpan niya ang ulo niya bilang pagdadalamhati. Nakatakip din ng ulo ang mga kasama niya at umiiyak habang umaakyat.

31May nagsabi kay David na si Ahitofel ay sumáma na kay Absalom. Kaya nanalangin si David, “Panginoon, gawin po ninyong walang kabuluhan ang mga payo ni Ahitofel.”

32Nang makarating sina David sa ibabaw ng Bundok ng Olibo, kung saan sinasamba ang Diyos, sinalubong siya ni Husai na Araceo. Punit ang damit niya at may alikabok ang kanyang ulo bilang pagdadalamhati.

33Sinabi ni David sa kanya, “Wala kang maitutulong kung sasáma ka sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.