30Umiiyak na umakyat si David sa Bundok ng Olibo. Nakapaa lang siya at tinakpan niya ang ulo niya bilang pagdadalamhati. Nakatakip din ng ulo ang mga kasama niya at umiiyak habang umaakyat.
31May nagsabi kay David na si Ahitofel ay sumáma na kay Absalom. Kaya nanalangin si David, “Panginoon, gawin po ninyong walang kabuluhan ang mga payo ni Ahitofel.”
32Nang makarating sina David sa ibabaw ng Bundok ng Olibo, kung saan sinasamba ang Diyos, sinalubong siya ni Husai na Araceo. Punit ang damit niya at may alikabok ang kanyang ulo bilang pagdadalamhati.
33Sinabi ni David sa kanya, “Wala kang maitutulong kung sasáma ka sa akin.
34Ngunit kung babalik ka sa lungsod at sasabihin mo kay Absalom na pagsisilbihan mo siya gaya ng pagsisilbing ginawa mo sa akin, matutulungan mo pa ako sa pamamagitan ng pagsalungat sa ipapayo ni Ahitofel.