2 Samuel 15

Ngunit kung babalik ka sa lungsod at sasabihin mo kay Absalom na pagsisilbihan mo siya gaya ng pagsisilbing ginawa mo sa akin, matutulungan mo pa ako sa pamamagitan ng pagsalungat sa ipapayo ni Ahitofel.

2 Samuel 15:34 (UKJV) But if you return to the city, and say unto Absalom, I will be your servant, O king; as I have been your father's servant until now, so will I now also be your servant: then may you for me defeat the counsel of Ahithophel.

32Nang makarating sina David sa ibabaw ng Bundok ng Olibo, kung saan sinasamba ang Diyos, sinalubong siya ni Husai na Araceo. Punit ang damit niya at may alikabok ang kanyang ulo bilang pagdadalamhati.

33Sinabi ni David sa kanya, “Wala kang maitutulong kung sasáma ka sa akin.

34Ngunit kung babalik ka sa lungsod at sasabihin mo kay Absalom na pagsisilbihan mo siya gaya ng pagsisilbing ginawa mo sa akin, matutulungan mo pa ako sa pamamagitan ng pagsalungat sa ipapayo ni Ahitofel.

35Naroon din sina Sadoc at Abiatar na mga pari. Sabihin mo sa kanila ang lahat ng maririnig mo sa palasyo ng hari.

36Pagkatapos, papuntahin mo sa akin si Ahimaaz na anak ni Sadoc at si Jonatan na anak ni Abiatar para ibalita sa akin ang anumang maririnig mo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.