2 Samuel 15

Pagkatapos, papuntahin mo sa akin si Ahimaaz na anak ni Sadoc at si Jonatan na anak ni Abiatar para ibalita sa akin ang anumang maririnig mo.”

2 Samuel 15:36 (UKJV) Behold, they have there with them their two sons, Ahimaaz Zadok's son, and Jonathan Abiathar's son; and by them all of you shall send unto me every thing that all of you can hear.

34Ngunit kung babalik ka sa lungsod at sasabihin mo kay Absalom na pagsisilbihan mo siya gaya ng pagsisilbing ginawa mo sa akin, matutulungan mo pa ako sa pamamagitan ng pagsalungat sa ipapayo ni Ahitofel.

35Naroon din sina Sadoc at Abiatar na mga pari. Sabihin mo sa kanila ang lahat ng maririnig mo sa palasyo ng hari.

36Pagkatapos, papuntahin mo sa akin si Ahimaaz na anak ni Sadoc at si Jonatan na anak ni Abiatar para ibalita sa akin ang anumang maririnig mo.”

37Kaya bumalik sa Jerusalem si Husai na kaibigan ni David. Nagkataon namang papasok noon ng lungsod si Absalom.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.